Kayong Malilinis, Matuwa at Umawit
VERSE 1
Kayong malilinis, matuwa at umawit; Krus ni Cristo'y iwagayway sa rurok ng langit.
KORO
Matuwa, Matuwa, Matuwa at umawit.
VERSE 2
Bata't matatanda, lalaki't babae; Ilakas ang pagbubunyi, sa Diyos na papuri.
VERSE 3
Kasama ng mga anghel, mga banal, Inyong ilakas ang awit ng kaligayahan.
VERSE 4
Kayo'y umawit din sa landas ng buhay, Sa tuwa't kapighatian, sa gabi at araw.
VERSE 5
Patuloy nga kayong matuwa at umawit, Krus ni Cristo'y iwagayway sa rurok ng langit.