Logo
Hymn #100Second Advent

Pag Mukhaan Kong Nakita

VERSE 1

Pag mukhaan kong makita Ang nagligtas sa sala, Pupurihin ko tuwina, Napakong walang sala.

KORO

Mukhaan kong makikita Sa langit na masaya L'walhating walang kapara Ng nagligtas sa sala.

VERSE 2

Ngayo'y bahagya pa lamang Kung Siya ay mamasdan, Nguni't pagdating ng araw Mamasdan kong mukhaan.

VERSE 3

Sa harap N'ya'y anong galak Kung mat'wid na ang lahat, Kung lumipas na ang hirap Dilim ay lumiwanag.

VERSE 4

Oh, masanghayang umaga, Ng ating pagkikita, Lagi nang magsasama Magpasa-walang hangga.