Logo
Hymn #102Second Advent

Maaari na sa Umagang

VERSE 1

Maaari na sa umagang paggising, Kapag ang araw'y naglalagos sa dilim, Na ang Panginoong Jesus ay darating, Upang ang Kanya'y tanggapin.

KORO

O Panginoo'ng Jesus, kailan Pa'isisigaw? Na si Kristo'y nagbalik na, Aleluya! Amen, Aleluya! Amen.

VERSE 2

Maaaring tanghali o takip-silim, Maaaring ang hating-gabing malalim Ay maliwanag sa l'walhati N'ya't ningning, Pag ang Kanya'y tanggapin.

VERSE 3

O kagalakan! Kung di na mamamatay, Walang pagtangis, sakit, takot, ni lumbay, Sa kalangitan dadalhin tayong tunay, Si Jesus ang kaakbay.