Kung ang Trumpeta ng Diyos
VERSE 1
Kung ang trumpeta ng Diyos ay marinig na ng lahat At ang umaga nama'y mamanaag, Kung sa Kanya ang tanang maliligtas ay matipon, Ako ay haharap din at doroon.
KORO
Kung hipan na ang trumpeta, Sa Kanya ako'y haharap, Kung hipan na ang trumpeta, Ako'y kasama ng mangaliligtas!
VERSE 2
Kung sa umagang yaon ang banal ay magsibangon Upang suma-Kanya habang panahon, Kung magsasama na ang hinirang ng Panginoon, Ako ay haharap din at doroon.
VERSE 3
Tayo ay magsipaglingkod sa Kanya araw-araw, Ang pag-ibig Niya'y h'wag kalimutan; Kung ang buhay at gawain sa lupa'y matalunton, Ako ay haharap din at doroon.