Pagdating ng Pag-aani
VERSE 1
Pagdating ng pag-aani At ng sanlibong taon, Sa paghukom sa marami Ng ating Panginoon, Ang lahat ay tatawagan Sa harap ng luklukan, Ang ganti ay ibibigay Pag ang Hari'y dumatal.
VERSE 2
Ang galak ng Kanyang bayan Ay walang makapara, Kung sila'y gantimpalaan Sa lahat nilang dusa; Sa pintong perlas na lantay Papasok silang tanan. Ang buhay ay ibibigay Pag ang Hari'y dumatal.
VERSE 3
Naghirap na nangagpunla Ng mahalagang bagay, Upang ang iba'y mahanda Sa pagtanggap ng buhay; Sa langit wala nang luha Wala nang kapanglawan Putong natin ay kakamtan Pag ang Hari'y dumatal.
VERSE 4
Pumanaw na minamahal Dulot sa'tin ay lumbay, Bawat luha'y mapapawi Kung si Cristo'y dumatal; Huwag tayong manlupaypay Dahil sa sala't lumbay Ating alamin ang bukas Pag ang Hari'y dumatal.