Logo
Hymn #118Second Advent

Mga Tanda'y Natupad Nang Lahat

VERSE 1

Mga tanda'y natupad nang lahat, Sinasabing darating si Jesus; Kami'y nag-aantay nang maluwat, Dumating Ka nawa aming Manunubos!

KORO

Lahat ay ating balitaang. Siya ay hindi na magtatagal; Tuloy ating idalanging tanan: "Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"

VERSE 2

Buwan, bituin, pati ng araw, Nagsasabing Siya'y malapit na, Mga bansa'y naliligaligan, Masasamang puso'y pawang nangangamba!

VERSE 3

Ito'y kagalakang walang hangga, Sa nagbabalitang matiyaga, Pawang saksing napakalapit na. Ang pamimitak ng araw na dakila!

VERSE 4

Kaya't tayo'y masiglang gumawa, Di na tatagal darating Siya, Ang nagsisi ay hindi sasalang. Papasok sa pinto't magpupuri t'wina!