Umawit sa Kagalakan
VERSE 1
Umawit sa kagalakan; Magdiwang sa awitan; Pawiin ang kalungkutan, Pagpupuri'y isigaw. Ibunyi Siyang sa ati'y Naglapit sa kaibigan, At S'yang naghatid sa atin, Kay Jesus na paanan.
KORO
Awitin, awitin, Ang awit ng katuwaan, Awitin ang awit nitong Pagdiriwang.
VERSE 2
Ating batiing may awitan Araw ng pagdiriwang; Ang masasayang hosana'y Ating ipagsigawan. Kal'walhatian ni Jesus Ating papupurihan, "Ang matandang salaysayin" Ay ating isasaysay.
VERSE 3
Salamat sa 'Yo, Amang banal, Sa mga kahabagan; Ang lahat nawa ng narito, Ikaw'y pasalamatan. Salamat sa 'Yo, O Jesus, Sa dugong katubusan. O Banal na Espiritu, Kami'y Iyong hingahan.