Logo
Hymn #120Second Advent

Ating Haring Paririto

VERSE 1

Ating Haring paririto. Yaong ipinako sa krus, Sanhi sa sala ng tao. Dugo ay nabuhos!

KORO

Sa pinto, sa pinto, Sa pinto, Siya'y nasa pinto! Dumarating! Dumarating! Siya ay dumarating!

VERSE 2

Nguni't mga banal lamang. Tangi Niyang titipunin. Upang ganti ay pakamtan. Sa langit dadalhin.

VERSE 3

Mga tandang inihayag. Sa muli Niyang pagdating. Matuling nangatutupad. Nakikita natin!

VERSE 4

Huwag umasang lilipas. Bagabag dito sa lupa. Hanggang banal ay maligtas. At sama'y mapuksa!