Halamang Pinagyaman
VERSE 1
Halamanang pinagyaman, Sa ganda at inam, Masarap na pahingahan, Aliw sa may lumbay!
KORO
O! Edeng napakainam, Tahanan ng banal, Handang dako na pahingahan, Ng nagsipanagumpay!
VERSE 2
Sa mga nangalulumbay, Ay may gintong araw, Anyaya roo'y awitan, Ng anghel na tanan!
VERSE 3
Doon tatahan si Jesus, At ang nangatubos, Sa maluwalhating bundok, Awit ay bubuhos!