Logo

Ako Ngayo'y Malapit Na

VERSE 1

Ako ngayo'y malapit na. Sa lupaing masagana, Araw doo'y maligaya't. Walang munti mang sakuna.

KORO

O magandang lupang B'yula, Nasasabik ako t'wina; Buhat sa 'yo'y mamamasdan. Ang masayang halamanan, yaong magandang tahanan, Na sa aki'y inilaan!

VERSE 2

Parati akong kaakbay. Ng dakilang Manunubos, Siya ang aking patnubay. Sa langit ng tuwa't lugod.

VERSE 3

Ang mga bulaklak doon. Ay pawang di nalalanta't. Napakabango ang simoy. Sa bayang yaong maganda.

VERSE 4

Ang awit ay matatamis. At tunay na maalindog, Ang buong hukbo ng langit. Kasama ng nangatubos.