Anong Tamis ng Awitan
VERSE 1
Anong tamis ng awitan Ng mga anghel na tanan Ang tuwa'y gayon na lamang Sa kalangitan.
KORO
Kaysaya sa langit! Kaysaya ang doon ay mapanhik! Ang tuwa't pag-ibig Di malalahukan ng hinagpis!
VERSE 2
Sa malwalhating pintuan Papasok ang karamihan, Anong laking kagalakan Sa kalangitan.
VERSE 3
Masasayang alingawngaw Ang laging mapapakinggan; Ang bango'y di ano lamang, Sa kalangitan.
VERSE 4
Walang luha, walang lumbay, Kundi pawang kasayahan, Awita'y sagut-sagutan Sa kalangitan.
VERSE 5
Ang mga kalwalhatian Ni Jesus ang tanging ilaw; Siya'y ating papupurihan Sa kalangitan.