Kay Jesus Kayo'y Sumamba
VERSE 1
Kay Jesus kayo'y sumamba, Buong sanglangitan, Ilabas ang diyadema, At Siya'y putungan! Ilabas ang diyadema, At Siya'y putungan!
VERSE 2
Kayong lahi ni Israel, Mahina't iilan, Kayo ay magsisamba rin, At Siya'y putungan! Kayo ay magsisamba rin, At Siya'y putungan!
VERSE 3
Lahat ng tao sa lupa, Dapat ding gumalang, Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan! Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan!
VERSE 4
Tayo nawa'y makasama, Noong karamihan, Nang masamba natin Siya, At tuloy putungan! Nang masamba natin Siya, At tuloy putungan!