Logo

Iniibig Kita

VERSE 1

Iniibig Kita, Panginoon ko; Minamahal Kita, Diyos na totoo. Iniibig Kita, ito'y batid Mo; Ang mga kilos ko, ang saksi nito.

VERSE 2

Maligaya ako, Oh, pagkainam! Ang kaligayahan ko'y walang hanggan! Langit ang yaman kong tinititigan, Doon ako'y sabik nang makatahan.

VERSE 3

Oh Jesus, buhay ko at kaligtasan, Aking kagalaka't kapahingahan; Magiging paksa ko'y ang Iyong ngalan, Magiging awit ko'y 'Yong pagmamahal.

VERSE 4

Sinong katulad ng tagapagligtas? Hari S'ya sa Salem, tulong ay wagas. Ngiti't pag-ibig N'ya ay anong timyas; Aking pupurihin S'ya nang malakas.