Magandang Jesus
VERSE 1
Magandang Jesus, Haring Manlalalang, Oh Diyos Anak, tanging hirang! Iibigin Ka't pararangalan, Aking kaluwalhatian.
VERSE 2
Ang kaparangan at ang kakahuyan, May bihis na kagandahan; Lalong marikit, Lalong dalisay, Si Jesus na nagmamahal.
VERSE 3
Araw at buwan, At mga bituin, Magaganda't maniningning; Higit si Jesus na maluningning. Kaysa do'n sa mga anghel.
VERSE 4
Dakilang Jesus, aming Panginoon, Luwalhati at paggalang, S'ya namang alay magpasalamat, Ngayon, magpakailanman.