Logo

Tanging ang Ngalan ni Jesus

VERSE 1

Tanging ang ngalan ni Jesus, Taglay ang kagalakan, Ligaya ng mga anghel, Lubos nating kas'yahan.

KORO

Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus; Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.

VERSE 2

Tanging ang ngalan ni Jesus Kung puso ay malungkot, Tanging ang ngalan ni Jesus Puso ko'y walang takot.

VERSE 3

Pag-asang S'ya'y mamamalas Kung S'ya magbalik na, Pag-asa ang marinig na Tatahang kasama N'ya.

VERSE 4

Kung nais Niya na ako'y Gumawa sa ubasan, Ako ay magagalak din Pagamit ng lubusan.

VERSE 5

Kung kamataya'y sumapit At ako'y magpahinga. Magbigay sulit kay Jesus Manatili sa Kanya.