Logo

Ang Pangalang Anong Tamis

VERSE 1

Ang pangalang anong tamis, Nakakaalis ng hapis, Nagpapasaya sa isip, Ay ang ngalan ni Hesus!

KORO

"Hesus," O anong tamis! "Hesus," kaibig-ibig! Lagi tayong umawit, Sa pangalan ni Hesus!

VERSE 2

Yamang tangi ko sa buhay! Na tuwina'y kailangan, At labis kong minamahal, Ay ang ngalan ni Hesus!

VERSE 3

Kung ako ay naninimdim, At ang buhay ko'y malagim, Wala akong tanging aliw, Kundi ang ngalan ni Hesus!

VERSE 4

Ang matamis na pangalan, Sa puso ko'y minamahal, At awitin ko sa buhay, Ay ang ngalan ni Hesus!