Tirhan, Espiritung Banal
VERSE 1
Tirhan, Espiritung Banal, Puso't isip, tanglawan; Laging paalalahanan Nang sala'y mailagan.
KORO
Punuin, ngayon din, Ng Espiritung Banal; Jesus, ako ay punuin. Ng Espiritung Banal.
VERSE 2
Espiritung magiliwin Ako'y Iyong puspusin; Bawa't oras ay ang hiling. Lumagi sa 'king piling.
VERSE 3
Kahinaan ko'y lunasan. Oh! Espiritung Banal, Ako'y bigyang kasiyahan. Sa pagibig Mong mahal.
VERSE 4
Iligtas at pagpalain. Ako'y laging aliwin. Ilayo sa bakla't lagim. Sa biyaya'y busugin.