O Banal na Espiritu
VERSE 1
O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Pag-ibig pag-alabin Mo Sa pusong lupaypay.
VERSE 2
Diwa nami'y itaas Mo, sa lupa'y alisin! Saka kami ay hahayo Upang tuwa'y kamtin.
VERSE 3
Ang aming mga kalul'wa'y Gisingin sa awit; At ang pag-aalinlanga'y Ganap na iligpit.
VERSE 4
Ama, sa lagay na ito Di nais mabuhay; Dakila Ka, kaya naman Iibiging tunay.
VERSE 5
O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Sa 'min pag-ibig ni Kristo'y Iyong idampulay.