Logo
Hymn #146Holy Spirit

Oh! Espiritung Banal

VERSE 1

Oh! Espiritung banal Tapat na taga-akay, Laging kaakbay-akbay ng Krist'yano sa daan, Kami ay pangunahan kamay Mo'y ialalay. Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.

VERSE 2

Laging laan at tunay Tapat na kaibigan. Kami'y h'wag Mong bayaan na mag-isa sa buhay; Kung may bagyong dumaan at puso'y manlupaypay, Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.

VERSE 3

Kung ang wakas ng lahat Malapit nang mamalas. At sa Diyos na malingap kami ay tumatawag, Sa gitna ng bagabag, ng pusong naghihirap. Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.