Logo

Tinapay ng Buhay ay Hatiin

VERSE 1

Tinapay ng buhay ay hatiin, Gaya nang maghati sa pampangin; Sa amin, Oh Jesus, bahaginin, Nang lagi Kang sumapuso namin.

VERSE 2

Sa banal na aklat hinanap Ka Nang magtibay ang aming pag-asa; Sa katotohana'y nakilala, At ang pala ay tinatamasa.

VERSE 3

Tinapay ng buhay Ka, Pangino'n, Ang Salita Mo'y katotohanan; Ako ay busugin sa lakbayin, At gawing maibigin t'wi-t'wina.

VERSE 4

Salita Mo'y espiritu't buhay, Sa pagsunod diyan kami'y laan; Tulong Mo sa ami'y iagapay, Nang sa pagtalima'y magtagumpay.