Ano ang Sabi ng Kasulatan?
VERSE 1
Ano ang sabi ng Kasulatan? Dapat nating maalaman, Turo ng tao'y sinsay kung minsan Nguni't ang Diyos ay tunay!
KORO
Ano ang sabi ng Bibliya? Ano ang sabi? mag-aral ka! Sundin ang utos, ang sampung utos At hintayin ang dating N'ya!
VERSE 2
Iilan lamang ang nag-aaral At nagsasakabuhayan Sa lahat ng utos ng Maykapal. Pati nang kapangilinan!
VERSE 3
Ano ang isusulit mo sa Diyos Taong sumuway sa utos? Ikaw baga ay makasasagot: "Ang utos Mo'y sinusunod"?