Kaluluwang Tigib Sala
VERSE 1
Kaluluwang tigib sala, kay Jesus umasa; Upang magkamit ginhawa'y talimahin Siya.
KORO
Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't Ililigtas ka ngayon na, ililigtas ka.
VERSE 2
Magsisi lamang mataos at magbalik loob, Ay malilinis kang lubos sa dugo ni Jesus.
VERSE 3
Lubos kang pagpapalain kung iyong sambahin Si Jesus na masintahing kusang gumigiliw.
VERSE 4
Halina at makipisan sa nangaglalakbay Na patungo sa tahanang walang kawakasan.