Logo
Hymn #156Invitation

Buhay Ko'y Nabigay

VERSE 1

Buhay ko'y nabigay, Dugo Ko'y bumukal Nang iyong makamtan Walang hanggang buhay; Ako'y nagbigay ng buhay, Ano'ng iyo naman? Ako'y nagbigay ng buhay, Ano'ng iyo naman?

VERSE 2

Ang trono ng dangal, Sa Amang tahanan Kusa Kong nilisan Ikaw ang dahilan; Lahat ay Aking iniwan, Ano'ng iyo naman? Lahat ay Aking iniwan, Ano'ng iyo naman?

VERSE 3

Halos di makaya Ang hirap Ko't dusa Na Aking binata Ang Iyo'y ano ba? Lahat ay Aking binata Ang iyo'y ano ba? Lahat ay Aking binata Ang iyo'y ano ba?