Tawag Mo'y Narinig
VERSE 1
Tawag Mo'y narinig. Kaya't lumalapit. Upang puso ko'y malinis, Dugo Mo'y natigis.
KORO
Ako'y tanggapin, Sa Iyong piling, Ang tanging aking hiling Ako ay linisin.
VERSE 2
Bagama't mahina, Marumi't salanta, Linisin Mo alipala't Mag babagong kusa.
VERSE 3
Ako'y tinawagan Sa ikababanal At upang pagtiyagaan Nang langit makamtan.
VERSE 4
Purihin ng lahat Si Cristong nagkalag Sa salang gapos sa lahat Upang makaligtas.