Magiliw na si Jesus Tumatawag
VERSE 1
Magiliw na si Jesus tumatawag Sa iyo at sa akin; Sa pinto'y naghihintay S'yang may habag Sa iyo at sa akin.
KORO
Hayo na't umuwi, Napapagal, umuwi; Magiliw na si Jesus tumatawag Sa nagkasalang lahat.
VERSE 2
Bakit tayo'y magpapaumat-umat Sa Kanyang panawagan? Bakit hindi dinggin ang pakiusap Ng Kanyang kaawaan?
VERSE 3
Isipin ang pangako N'yang paggiliw Sa iyo at sa akin; Awa't patawad N'ya'y di nagmamaliw Sa iyo at sa akin.