Tumatawag si Jesus
VERSE 1
Tumatawag si Jesus na Pastor mo't irog, Ikaw'y pinapapasok sa Kanyang pagkupkop; Lapit hanggang may lakas, hanggang batang wagas. Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.
KORO
Magiliw na Siya'y tumatawag, Naliligaw, lumapit na agad, Huwag papaghintaying maluwat. Si Jesus nating liyag.
VERSE 2
Si Jesus ang nag-alay ng Kaniyang buhay, Upang iyong makamtan walang-hanggang buhay; Ngayo'y dagli mong dinggin tawag N'yang magiliw. Pahinga ha'y pasukin suma Kanyang piling.
VERSE 3
Magpaliba'y panganib malamang mawaglit, Lobong gala'y malimit manila ang nais, Kaya't dinggin ang tawag ni Jesus na liyag. Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.