Liwanag ay Lumalabas
VERSE 1
Liwanag ay lumalabas Sa pintong nakabukas. Doon sa krus namamalas Pag-ibig ng nagligtas.
KORO
Manatili kayang bukas Ang pinto ng awa't habag? Sa 'kin, sa 'kin Magpahanggang wakas?
VERSE 2
Ang pinto'y bukas sa lahat Na rito'y humahanap; Mayaman man at mahirap Tinatanggap na lahat.
VERSE 3
Masok samantalang bukas, Putong ay matatanggap. Alintanahin ang hirap Na dulot ni Satanas.
VERSE 4
Sa pasanin maiibsan Ipapalit ay buhay. Kasayahang walang hanggan Ang laging makakamtan.