Si Jesus ay Tumatawag Ngayon
VERSE 1
Si Jesus ay tumatawag ngayon Tumatawag, tumatawag; Ano't sa kanya'y 'di ka pa ampon Upang h'wag mawakawak?
KORO
Tumatawag, tumatawag, Si Kristong liyag. Sa makasalanang lahat.
VERSE 2
Si Jesus ay may galak na taglay. Sa may lumbay, sa may lumbay Salang taglay sa kanya'y ibigay, At lilinising tunay.
VERSE 3
Kasalana'y isulit kay Jesus, H'wag magluwat, h'wag magluwat, Siya'y naghihintay na tibuhos Kaya lapit na agad.
VERSE 4
Inuusig ka? tawag ay dinggin, H'wag sumuway, h'wag sumuway, Ang maniwala at di umiring Magtatamo ng buhay.