Ang Nakarinig ay Magbalita
VERSE 1
Ang nakarinig ay magbalita, Sa sanlibutan ng mga hiwaga; Sa lahat ng tao'y ipaunawa; Lumapit ang may nasa.
KORO
Bawa't may nasa, bawa't may nasa Ay maglaganap ng ating balita, Ang tawag sa atin ng Ama'y handa, Lumapit ang may nasa.
VERSE 2
Bawa't may nasa ngayo'y lumapit Pasukin ang pinto hanggang dipinid; Si Jesus ang daang tungo sa langit Lapitan ng may nais.
VERSE 3
Pangako'y tunay sa magtatapat At mananatili hanggang sa wakas; Walang-hanggang buhay ang igagawad Sa may nasang tumanggap.