Logo
Hymn #176Repentance

Akong Makasalanan

VERSE 1

Akong makasalanan, Puno ng kasamaan, Tinubos nang mabuhay At sa langit matahan; Ako ay Kanyang tunay, At Siya'y akin naman.

VERSE 2

O! dakilang pag-ibig, Mataas kaysa langit, Sa kalalima'y higit. Sa malalim na tubig; Hinanap akong pilit, Iniligtas sa sakit.

VERSE 3

Ang aking kahirapan ay Kanyang nalalaman, Sa kapanganiban man. Ako'y iniingatan; Ang lahat ko sa buhay. Kay Jesus inyaalay.