Akong Napalayo sa Diyos
VERSE 1
Akong napalayo sa Diyos Ay nagbabalik; Sa sama'y tumatalikod, At nagbabalik.
KORO
Ako'y nagbabalik, di na aalis; Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik!
VERSE 2
Akong sa sala'y nagtagal, Mahal kong Ama, Ngayo'y nagsisising tunay, Nagbabalik na.
VERSE 3
Nililisan ko na ngayon Ang aking sala, At sa Iyo, Panginoo'y Nagbabalik na.
VERSE 4
Ang kamatayan ni Cristo'y S'ya kong pag-asa, At ngayon sa kandili Mo'y Nagbabalik na.
VERSE 5
Sa dugo Niyang natigis Dadalhin ko na Ang kasalanan ko't dungis, At babalik na.