Logo
Hymn #184Consecration

Galak Akong Titindig sa Paanan ng Krus

VERSE 1

Galak akong titindig sa paanan ng krus, Anino ng isang batong matibay na lubos; Yaon ay isang tahanan sa gitna ng ilang, Pahingahan at kanlungan sa tabi ng daan.

VERSE 2

Doon sa krus ni Jesus aking namamalas Siya na dahil sa aki'y namatay, naghirap; Sa puso kong nasumbatan aking nadarama: Di karapat-dapat ako sa pag-ibig Niya.

VERSE 3

Papasanin ko, Oh krus, ang iyong anino; Liwanag ng Kanyang mukha ay s'yang ligaya ko; Tanging ikinahihiya ng sariling aba, Ay ang buhay kong sa sala'y lubhang nariwara.