Ang Pananampalataya ng Ating mga Magulang
VERSE 1
Ang pananampalataya Ng ating mga magulang, Nanatili pang buhay, Nabilanggo man sa hukay. Oh pananampalataya! Magtatapat kami t'wina.
VERSE 2
Napipiit man sa dilim, Puso't budhi'y malaya rin; Mga anak mapalad din, Kung sila ang huhuwarin! Oh pananampalataya! Magtatapat kami t'wina.
VERSE 3
Iibigin sa alitan, Kaibigan at kaaway; At Ikaw'y ipangangaral Sa salita't pamumuhay. Oh pananampalataya! Magtatapat kami t'wina.