Lalapit Ako sa Krus
VERSE 1
Lalapit ako sa krus, Mahina ma't balakyot. Aariin kong lapok, Lahat, liban kay Jesus.
KORO
Ako'y nagtitiwala, Sa Korderong dakila. At nagpapakumbaba, Sa kay Jesus kong mutya.
VERSE 2
Laon nang naghihirap, Dahil sa salang kagyat. Jesus ko ay mahabag, Lahat ay ipatawad.
VERSE 3
Ibibigay kong lahat, Ang katawan ko't pilak. Pati kalul'wang ingat, Ihahandog kong wagas.
VERSE 4
Ang dugo Mong nabuhos, Sa akin ay tumubos; Ngayon, akong alabok, Lumalapit na sa krus.