Ako’y Ilapit sa Krus
VERSE 1
Ako'y ilapit sa krus, Mapagpalang Jesus; May mahalagang bukal, Doo'y umaagos.
KORO
Do'n sa krus, do'n sa krus, Aking l'walhati Ka, Hanggang sa kaluluwa'y Makapagpahinga.
VERSE 2
Ang pag-ibig at habag, Sa krus nasumpungan; Ang Tala sa Umaga, Doon ay makinang.
VERSE 3
Ang mga tagpo sa krus, Sa 'ki'y ipakita; Ako ay tulungan Mo Na lumakad t'wina.
VERSE 4
Do'n sa kalapit ng krus Ako'y maghihintay, Hanggang aking sapitin Ang kabilang pampang.