Aba Akong Di Gasino
VERSE 1
Aba akong 'di gasino, Na tinubos ng dugo Mo; Lumalapit na totoo Sa Iyo, Diyos na Kordero.
VERSE 2
Sa aba kong kaluluwa, Dugo Mo nga ay sukat na Na makahugas sa sala, Oh! Kordero ng Diyos Ama.
VERSE 3
Akong abang lumalangoy, Sa sigalot at linggatong At sa panganib ay gayon, Ampunin, Korderong Poon.
VERSE 4
Sa aba kong maralita, Bulag ang isip at dukha, Magdalang habag at awa, Korderong Diyos na dakila.
VERSE 5
Akong aba ay tanggapin, Sa sakit ay pagalingin, At hanguin sa hilahil, Oh! Korderong masintahin.
VERSE 6
Aba akong mag-aakin Pagmamahal Mo sa akin, Lubusan Mo ng sakupin Ang buhay ko at damdamin.