Logo

O Sambahin ang Pangalan

VERSE 1

O sambahin ang pangalan ng Panginoon, Sa kagandahan ng kabanalan; Kayo'y magsiluhod sa Kanyang yamungmong, Siya ang Diyos ng kal'walhatian.

VERSE 2

Lahat ninyong hirap at mga hilahil, Sa paanan Niya ay ilagay; Kayo'y buong puso na ang dukhain, Papatnubayan ang inyong hakbang.

VERSE 3

Huwag matakot na sa Kanya ay ilapit, Ang inyong mga pahatnahain; Buong kagandahan ng inyong pag-ibig, Ang sa Kanya'y siya ninyong dalhin.

VERSE 4

Mga handog natin imbi at aba man, Buong lugod Niyang tatanggapin; Mga lungkot natin at kapighatian, Ay hahalinhan ng tuwa't aliw.