Jesus, Mahal Kita
VERSE 1
Jesus, mahal Kita, Ikaw ay akin; Dahil sa 'Yo ang sala'y itatakwil; Manunubos ko't Tagapagligtas Ka; Jesus, kung iibigin Ka'y ngayon na.
VERSE 2
Mahal Ka pagka't una Kang umibig, At patawad sa 'kin di ikinait; Dahil sa koronang tinik, mahal Ka; Jesus, kung iibigin Ka'y ngayon na.
VERSE 3
Iibigin Ka hanggang kamatayan, Habang may hininga'y papupurihan; At pag nag-agaw-buhay ibabadya, Jesus, kung iibigin Ka'y ngayon na.
VERSE 4
Sa maluwalhating tahana't galak, Sasambahin Kita hanggang sa wakas; Aawit akong taglay ang korona, Jesus, kung iibigin Ka'y ngayon na.