Logo
Hymn #214Consecration

Jesus, Nangako Ako

VERSE 1

Jesus, nangako akong maglingkod sa Iyo At ang tanging hiling ko ako'y tulungan Mo; Dumating kahit anong sari-saring tukso. Ako'y di maaano ako'y mananalo!

VERSE 2

Kasamaa'y malimit sa 'ki'y lumalapit, Ako ay kinakabig, Dinadayang pilit, Ako'y walang panganib anumang sumapit, Sa tulong ng 'Yong bisig ako'y mananaig!

VERSE 3

Jesus, may pangako Kang sa ami'y sasama, Kami'y di nag-iisa hin di nangangamba; Kaya nga't nananatang hanggang may hininga. Kami ay tatalaga sa lahat Mong pita.