Logo
Hymn #216Consecration

Kami'y Lumalapit

VERSE 1

Kami'y lumalapit, Oh Diyos ng pag-ibig. Awa Mo'y ilawit, ipakamit; Ikaw ang timbulan na inaasahan. Walang tatawagan kundi Ikaw.

KORO

Kaya't iyong dinggin, Amang giliw. Awa Mo ang hiling, h'wag habagin.

VERSE 2

Lupa'y may kadimlan, Kaaway naghalang; Ikaw ang takbuhan at kublihan; Iligtas Mo kami sa tuksong marami; Kahit aba't imbi h'wag iwaksi.

VERSE 3

Banal na biyaya'y Ipakamit nawa; At ang laging nasang pagpapala; Kami'y pangunahan habang nabubuhay. At sa bayang banal ay idatal.