Ang Mahihinang Damdamin
VERSE 1
Ang mahihinang damdamin Panginoo'y pakamtin Ng awang walang kahambing At kailangan namin; Itutulot Mong mangagpuri Ang mga labing pipi Kailan ma'y di mangyayari Bigkasin sa sarili.
VERSE 2
Tulong Mo'ng inaasahan Na ipagtatagumpay Makakamtan naming tunay Ang walang hanggang buhay; Si Jesus ang humahanap Sa nangatitiwalag Upang ang tao'y maligtas Dugo ang ibinayad.
VERSE 3
Sa walang kupas Mong awa At habag na sagana Ay papagtamuhing kusa Ang dahop sa biyaya; Batid Mong kami'y lagalag At naligaw sa landas Ikaw na lubhang malingap Sa amin ay mahabag.