Poong Jesus, Lubog na ang Araw
VERSE 1
Poong Jesus, lubog na ang araw, At ang dilim nama'y kumakapal; Liwanag Mo sa aki'y itanglaw, At ako, Panginoo'y samahan.
VERSE 2
Nagdaan na naman ang maghapon, Lahat sa paglipas tuluy-tuloy, Ang lahat ng bagay naluluoy— Samahan Mo ako, Panginoon.
VERSE 3
Huwag Mo akong dagling iiwanan, Ang kandili Mo ay kailangan, Akong aba'y Iyong pagtiisan, At ako, Panginoo'y samahan.
VERSE 4
Mayroon pa bagang ibang bagay Na makakasupil sa kaaway? Wala na nga, kundi Ikaw lamang, Kaya nga po, ako ay samahan.