Panginoon Naming Jesus
VERSE 1
Panginoon Naming Jesus! Dakilang Mananakop Na nagbayad at tumubos Sa sala'y pagkagapos!
KORO
Oh! kahanga-hangang Jesus na Mananakop! Sa sala'y umako't Buhay ang kaloob!
VERSE 2
Kapuri-puring panlinis Sa kaluluwang dungis! Dugong sa sala'y nag-alis Upang sa Diyos malapit!
VERSE 3
Nilinis sa aking puso Salang doo'y natago; Siya ngayo'y nagpupuno At sama'y pinasuko!
VERSE 4
Siya'y lagi kong kasama Saan man S'ya pumunta; Pinapagtatapat t'wina Ako sa Diyos na Ama!