Logo

May Bukal ng Dugong Buhay

VERSE 1

May bukal ng dugong buhay, kay Jesus nagbuhat, At ang doon ay hugasan, malilinis agad. Malilinis agad, malilinis agad; At ang doon ay hugasan, malilinis agad.

VERSE 2

Ang mapalad na tulisan, ay roon naghugas, Ako ma'y makasalanan, sa Kanya'y tutulad. Sa Kanya'y tutulad, sa Kanya'y tutulad; Ako ma'y makasalanan, sa Kanya'y tutulad.

VERSE 3

Ang dugo Mo, Poong Jesus, ay magtatagumpay, Hanggang ang mga natubos, maligtas nang tanan. Maligtas nang tanan, maligtas nang tanan; Hanggang ang mga natubos, maligtas nang tanan.

VERSE 4

Ang dugo Mong bumubukal, mula nang makita, Ay Siya kong laging saysay, sa taong may sala. Sa taong may sala, sa taong may sala; Ay Siya kong laging saysay, sa taong may sala.

VERSE 5

Sa 'yo ako nananalig, Panginoong giliw, Ang dugo Mo ay humugas, sa salang matingkad. Pinalayang lubos, ng awa at habag; Ang dugo Mo ay humugas, sa salang matingkad.

VERSE 6

May awit ng kagalakan, ang himig sa puso, Sasambitin araw-araw, biyayang kaloob. Napalayang tunay, ng pagsintang sakdal; Sasambitin araw-araw, biyayang kaloob.