Dinggin Mo ang Pahayag
VERSE 1
Dinggin mo ang pahayag, Cristo'y nagliligtas; Ang tuwa'y ilaganap, Cristo'y nagliligtas, Ibalita sa lahat kahit magtawid dagat, Ito'y sa atin atas, Cristo'y nagliligtas!
VERSE 2
Sa gitna ng bagabag Cristo'y nagliligtas; Sa nagkasala'y hayag Cristo'y nagliligtas; Mag-awit kapuluan, tumugon karagatan, Sa mundo'y kagalakan, Cristo'y nagliligtas!
VERSE 3
Awitin nang malakas, Cristo'y nagliligtas; Sa kamatayang hamak Cristo'y nagliligtas. Saysayin nang marahan sa pusong nagdaramdam Kahit hanggang libingan Cristo'y nagliligtas!
VERSE 4
Dagli nang ilaganap, Cristo'y nagliligtas; Mga bansa'y magalak Cristo'y nagliligtas. Ating ipagsigawan tinamong kaligtasan Awiting may tagumpay, Cristo'y nagliligtas!