Ang Kal'walhatian sa Diyos Ibigay
VERSE 1
Ang kal'walhatian sa Diyos ibigay Siya'y gumagawa ng dakilang bagay; Anak isinugo na S'yang nag-alay Ng buhay upang ang lahat mabuhay.
KORO
Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan; Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan; Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan, At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.
VERSE 2
Pangako ng Diyos sa naniniwala, Ay katubusang sa dugo may bisa; Ang magsisising pinakamasama, Patatawarin ni Cristong dakila.
VERSE 3
Pawang dakila ang turo Nya't gawa, Kay Jesus dakila ang ating tuwa; Nguni't kung si Jesus ay Makita nga, Ligaya nati'y higit pang dakila.