May Buhay sa Isang Tanaw Lamang
VERSE 1
May buhay sa isang tanaw lamang, Sabi Niya: "Ako'y tingnan," Pagka't ang krus may bisang tunay, Gaya ng tansong ahas sa ilang.
KORO
May buhay para sa 'yo, Kung tumanaw kay Cristo, Kaya't pagsikapan mo, Tumingin sa Kalbaryo.
VERSE 2
Kahit gaanong dagsa ng tukso, Ay pananagumpayan mo, Kung titingin lamang kay Cristo, Lakas at ligaya'y sasa iyo.
VERSE 3
Oras oras Siya ay titigan, Pangako ng Diyos asahan, Ang tukso'y pananagumpayan, Ng sinumang susunod sa aral.