Logo

Sa Kabila ng mga Kabundukan

VERSE 1

Sa kabila ng mga kabundukan, Naro'n ang ginawa ng Diyos na bayan; Pag ang tuktok ng bundok natapakan, Walang-hanggang bayan ay matatanaw.

KORO

Nalalapit na sa 'ting tahanan! Masda't mga bubong nagkikinangan! Sa "pintong bukas" may kal'walhatian! Papasok tayo ro'n di magtatagal, Ang mga anghel ay nag-aawitan. Sa 'ting tahanan.

VERSE 2

Sa ti'y maluwat nang isinalaysay. Ang bayang mga daa'y gintong lantay; Ngayon sa hagap ito'y matatanaw; Kuta'y haspe't magaganda ang bahay.

VERSE 3

Mga tumutupad ng utos ng Diyos At pananampalataya ni Jesus, Ang sa bayang yao'y nagsisipasok; Tayo roo'y magpupuri ngang lubos.

VERSE 4

Kapatid, ako ba'y 'yong tatagpuin. Sa bayang yaong wala nang hilahil? Pabalita ng Diyos iyong tanggapin, Pagdating N'ya ikaw ay tatawagin.