Ang Iglesia'y May Isang Kinasasaligan
VERSE 1
Ang iglesya'y may isang kinasasaligan, Ito'y si Jesu-Kristong sa kanya'y Lumalang; Naparito't ang dugo, buhay inialay, Upang iglesya'y maging asawa N'yang banal.
VERSE 2
Hirang sa bawa't bansa, isa sa b'ong lupa, Batas n'yang kaligtasan ay iisang pawa, Isa ang Panginoon, bautismo't tiwala, Isa rin ang pagkain, pag-asa't biyaya.
VERSE 3
Mga kaaway niya kahit s'ya'y siilin, Bato niyang himlayan kahit na durugin, Pananampalataya'y iniingatan din, 'Pagkat gabing pagtangis pag-uumagahin.
VERSE 4
Sa gitna ng hirap at mga kalinggalan, Iglesya'y naghihintay ng kapayapaan; Hanggang sa paningin n'ya ay mal'walhatian, At iglesya'y magkamit ng kapahingahan.