Dinggin! Ang Tawag ni Jesus
VERSE 1
Dinggin! ang tawag ni Jesus, “Sinong ngayo’y hahayo? Bukira’y hinog nang lubos, Gagapas nga ay sino?” Tumatawag S’yang mataos, Gantimpala’y sasa’yo; Sinong masayang sasagot, “Jesus, suguin ako”?
VERSE 2
Kung dika makakatawid Sa ibayo ng dagat, May nanga sa malalapit, Matutulungang kagyat; Kung di ka makasasambit Ng sa anghel na bigkas, Kay Jesus namang pag-ibig, Iyong maitatanyag.
VERSE 3
Kung hindi ka maaari Na maging isang bantay, Na ang handog nga at mithi: Kapayapaa’t buhay; Ang sa Langit namang hingi Magagawang tiwasay, Magsa Aaron kang lagi, Hawak propetang kamay.
VERSE 4
Habang nangagsisiyao Kaluluwa ng tao, H’wag sanang marinig sa’yo, “Walang magagawa ako!” May tuwang tupding totoo Tungkuling bigay sa’yo; Pagtawag N’ya’y tugunin mo, “Jesus, suguin ako.”